Aminado ang Presidential Communications Office na mahalagang pag-aralan nang mabuti at maamyendahan ang batas hinggil sa sim card registration.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Officer at PCO Usec. Claire Castro na maraming mga aspeto ang batas hinggil sa sim card ang hindi epektibo.
Ayon kay Usec. Castro, kabilang dito ang pagpaparehistro ng sim card online dahil kahit aniya sino ay pwedeng bumili ng kahit ilang sim cards kaya madali pa ring makapanloko at mahirap habulin ang mga scammer.
Dahil dito, iminungkahi ng PCO Official na gawing personal ang pagpaparehistro ng mga sim sa tanggapan ng pamahalaan.
Sa ganito aniyang paraan ay malalaman kung sino talaga ang may-ari ng sim card, kung sino ang hahabulin at papanagutin sakaling may ginawa itong panloloko gamit ang cellphone.—sa panulat ni John Riz Calata