Binuweltahan ng Malakanyang ang oposisyon na nagsabing malaking kabiguan ang “Build Build Build” projects ng pamahalaan.
Ayon kay Vince Dizon, Presidential Adviser on flagship projects, umabot na sa isang trilyong piso ang ginastos ng pamahalaan mula 2017 hanggang 2018.
Nakadagdag anya ito sa paglago ng construction sa average na mahigit 12 porsyento mula nang ilunsad ang “Build Build Build” project.
Sinabi ni Dizon na pasang awa lamang ang kalagayan ng imprastraktura sa bansa nang mag take over si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Pero ngayon ay malaking bahagi na ito ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Dizon na marami sa mga proyekto sa “Build Build Build” dahil hindi na feasible ang mga ito at bumuo na sila ng bagong listahan na binubuo ng 100 proyekto.