Binalewala ng Malakanyang ang pambabatikos ng isang opisyal ng dating administrasyong Duterte matapos alisin si Vice President Sara Duterte sa National Security Council.
Matatandang tinawag ni dating Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang pag-aalis kay VP Sara sa NSC bilang isang ill-advised o maling hakbang para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Iginiit pa ni Atty. Panelo na nagpapakita ito ng maruming pamumulitika, at ito ay panibago na namang pagsira sa political star power ni VP Sara.
Sinabi naman ng palasyo na hindi sila maglalabas ng pahayag kaugnay ng mga patutsada ni Atty. Panelo hanggil sa nasabing isyu. – Mula sa panulat ni Jeraline Doinog at sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)