Tanging TRO o Temporary Restraining Order lang ang susi upang mapalawig ang pananatili sa bansa ng madreng si Sister Patricia Fox.
Ito ang inihayag ng Malakanyang na nanindigang buo na ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin ng bansa si Fox dahil sa pakikialam nito sa mga usaping pulitikal ng Pilipinas.
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinunod lamang ng pangulo ang naunang kautusan ni Dating Justice Secretary Leila De Lima tungkol sa pagbabawal sa mga dayuhang lumahok sa anumang uri ng political rally.
Magugunitang inihayag ng kampo ni Fox na may nakabinbin na silang mosyon sa korte upang pigilan ang nakatakdang deportation patungong Australia laban sa madre at handa nila itong i-akyat sa Court of Appeals hanggang sa korte suprema.