Mistulang dinepensahan ng Malakanyang ang taas-contibution ng Social Security System na epektibo na nagyong buwan.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, dumaan sa masusing pag-aaral ang nasabing SSS contribution hike kaya’t hayaan na muna itong magpatuloy hanggang lumabas ang magiging resulta.
Ang naturang contribution rate hike ay huling bugso ng serye ng pagtaas ng kontribusyon sa ilalim ng Republic Act no. 11199 o ang Social Security Act of 2018, na nagtulak sa mandatory contribution mula 12% noong 2019 hanggang 15% ngayong taon. – Panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Giblert Perdez (Patrol 13)