Dinepensahan ng Malakaniyang ang kawalan ng ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaya ng halos 2,000 bilanggo na convicted sa karumal-dumal na krimen dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ito’y matapos aminin ni Sen. Christopher Bong Go na hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng halos 200 bilanggo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi alam ng Pangulo ang paglaya ng mga bilanggo dahil hindi ito nakarating sa kaniya at nasa mababang lebel lamang ang naging pag-aaral dito.
Merong proseso aniya na hindi na nakararating sa Pangulo ng bansa.