Hindi si Pangulong Duterte ang tinutukoy ni Pope Francis sa pahayag na kaibigan, pinsan at kaanak ni satanas ang mga kritiko ng Simbahang Katolika.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay dahil maaring hindi rin kilala ng Santo Papa ang Pangulong Duterte.
Sinabi ni Panelo na mismong si Pope Francis nga ang numero unong kritiko ng Simbahan dahil binabatikos nito ang mga paring sangkot sa immoralidad, sexual harassment at iba pang kontrobersiya.
Maaring hyperbole lamang ang nasabing pahayag ni Pope Francis.
—-