Dumistansya ang Malakanyang sa kasong kinahaharap ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa kontrobersiya ng Dengvaxia vaccines.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque , walang karapatan ang ehekutibo na magbigay ng komento dahil nasa hurisdiksyon na COMELEC ang umano’y ginawang paglabag sa Omnibus Election Code ni Aquino
Batay sa inihaing reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ni Dr. Francis Cruz, inilabas ng nakalipas na administrasyon ang 3.5 Billion Pesos na pondo ng bayan para ipambili ng Dengvaxia vaccines , 45 araw bago ang may 2016 National Elections.
Kahapon ay humarap ang dating Pangulo sa COMELEC at iginiit na hindi niya nilabag ang Omnibus Election Code.
-Jopel Pelenio