Dumistansya ang Malakanyang sa mga pagbabanta ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa mga kongresistang kumontra sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pahayag ni Alvarez ay panloob na usapin ng Kamara at ipinauubaya na nila sa House Speaker kung ano ang nais nitong gawin sa kanyang mga kasamahan.
Bago nakalusot ang death penalty bill ay nagbanta si Alvarez na tatanggalan ng committee chairmanship ang mga kapwa mambabatas na hindi bo-boto pabor sa death penalty.
Umani ng batikos ang pagbabanta ng House Speaker at tinawag itong diktador ng kanyang mga kritiko, lalo na nang balaan din ang mga mahistrado na mahaharap sa impeachment kung maglalabas ng temporary restraining order o TRO kaugnay sa pagtatayo ng MRT-LRT common station.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping