Dumistansya ang malacañang sa pagkakatanggal kay Ako Bicol Party-List Representative Elizaldy Co bilang Chairman ng House Appropriations Committee.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, discretion ito ng kongreso at walang kinalaman dito ang ehekutibo.
Matatandaang sa pagbabalik-sesyon ng kongreso noong lunes, idineklarang bakante ni House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang posisyon ni Congressman Co.
Kasunod nito ay sinabi ng Ako-Bicol Partylist Solon na bumaba siya sa pwesto dahil sa health concerns.
Itinalaga namang acting Chairperson ng Komite si Marikina City Representative Stella Quimbo. – Sa panulat ni Laica Cuevas