Para daw maipakita ng administrasyon na talagang para sa sambayanang Filipino at sa mga susunod na henerasyon ang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Hinamon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Malakanyang na magpatawag ng referendum para sa Maharlika Investment Fund Bill.
Sa ganitong paraan ay makikita anya ang kumpiyansa na talagang makikinabang dito ang taumbayan at malalaman kung suportado ito ng mayorya ng mga Filipino.
Sa pag-aanalisa ni Pimentel, sa halip na makabuti, makakasama ang paglikha ng Maharlika Investment Fund sa ekonomiya, sa bansa, sa taumbayan at sa kinabukasan ng bansa.
Ipagsasapalaran anya dito ang pera ng bayan sa hindi pa klarong investments, samantalang maayos namang nagagamit at kumikita ang mga pondong pinagdiskitahang gamitin dito.
Tinutukoy ang 50 billion pesos na manggagaling sa landbank of the Philippines, 25 billion mula sa Development Bank of the Philippines, P25- B mula sa National Government at mga dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay Pimentel, mayroon ditong panganib dahil may history ng corruption ang bansa at ang Maharlika Bill ay patatakbuhin ng iilang tao.
Pwede anya itong kwestyunin sa Korte Suprema dahil sinertipikahan na pangulo na urgent measure gayung walang Public Calamity o Emergency.