Hindi ikinababahala ng Malakanyang ang pagbaba sa approval at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong bahagi ng taon.
Ito ay matapos na bumaba sa 78% ang approval rating ng Pangulo nitong Setyembre mula sa 85% noong Hunyo at trust rating na 74% mula sa 85% noong nakaraang quarter batay sa Pulse Asia Survey.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nananatili pa rin naman aniyang mataas at mahigit sa 70% ang rating ng Pangulo.
Karaniwan na aniyang may epekto sa magiging resulta kung isasagawa ang survey sa panahong may pumutok na kontrobersiya.