Naniniwala ang Malakanyang na kailangan pa rin ng service improvement ng mga telcos bagamat sinasabing may nakita namang pag- usad sa ginagawa nitong serbisyo sa kanilang mga subscribers.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na bagamat umakyat tayo ng bahagya sa 29th spot sa 50 bansa sa asya pagdating sa download speed ranking sa fixed broadband, malayo pa rin aniya ang ranking natin kumpara sa mga kalapit bansa sa ASEAN.
Mas nauna pa ani Roque, sa atin ang laos na nasa 27 ang ranking habang milya-milya ang layo sa atin ng singapore na nasa unang puwesto.
Pumangalawa ang thailand habang nasa 11th spot ang Malaysia.
Sana man lang ayon kay Roque ay pumantay o makadikit man lamang tayo sa vietnam na nasa number 14.
Sa huli, giit ni Roque, kinakailangan na tayong magnais na maging world class pagdating sa telecommunication. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)