Hinikayat ng Malakanyang ang mga biktima ng war on drugs na maghain ng kaukulang reklamo.
Kasunod ito ng pagtukoy ng Amnesty International na ang probinsya ng Bulacan ang bloodiest killing field nitong nakalipas na 18 buwan kung saan naitala ang 27 mga kaso ng pagpatay.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, para malaman ang katotohanan sa likod ng naturang mga pagpatay ay mayroong maghain ng reklamo upang maimbestigahan.
Para naman sa pakikialam ng international community sa usapin ng drug war, sinabi ni Panelo na dapat itigil na nila ang pamumulitika at gawin ang kanilang trabaho.