Hinimok ng Malakaniyang ang mga Local Government Unit (LGU) na maglaan ng mga bike lane sa kani-kanilang nasasakupan.
Ito’y matapos gamitin ang bisikleta bilang alternatibong transportasyon lalo na ng mga frontliner ngayong may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dahil wala ngayong public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), ang bike ang nagsilbing transportasyon ng marami para makapasok sa kani-kanilang trabaho.
May pinapayagan namang pampublikong sasakyan ngunit ito ay mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at limitado ang kapasidad ng mga ito hanggang sa 50%.