Nagpaalala sa publiko ang Malakanyang na manatiling vigilante laban sa COVID-19, sa gitna ng kaliwa’t kanang selebrasyon ngayong Holiday season.
Mensahe ng Office of the Press Secretary (OPS), dapat patuloy na sumunod ang publiko sa health protocols sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Mahalaga anilang alalahanin ang kaligtasan ng ating sarili, pamilya, at mga kaibigan sa patuloy na paglaban natin sa virus.
Bagama’t maluwag na ang restrictions para sa mga pagtitipon, sinabi ng OPS na malaki ang maitutulong ng pagsunod sa health protocols para maipagdiwang ang Holiday nang may mabuting kalusugan.
Paalala pa nito sa mga Pilipino na huwag kalimutang mag-mask, hugas, at iwas.
Mahalaga rin ang pagpapanatili ng airflow sa ating mga bahay para hindi madaling kumalat ang sakit, at siguruhin na bakunado ang lahat para sa mas ligtas na pagsasama-sama ngayong Pasko.