Hindi nagkamali ang Inter Agency Task Force (IATF) sa pag-downgrade ng enhanced community quarantine (ECQ) patungo sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ito ang paninindigan ng Malakaniyang dahil ang desisyon ay ibinase ng gobyerno sa scientific at economic considerations.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na sadyang nagulat lamang ang gobyerno sa pagdagsa ng mga tao sa mall at mga lansangan simula nuong Sabado, Mayo 16, kung kailan epektibo na ang MECQ sa Metro Manila at iba pang lugar.
Ayon pa kay Roque, kinakailangan nang buksan ang ekonomiya matapos ang dalawang buwang lockdown.
Sa ilalim ng MECQ, pinapayagan nang magbukas ang mga mall at iba pang mahahalagang establishment.