Idinipensa ng Malakanyang ang panukalang P4.5-B para sa intelligence fund ng Office of the President.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kinakailangan ng gobyerno ng mas malaking budget sa intelligence para mas mapatatag pa ang internal at external security ng bansa.
Aniya, ang naturang pondo ay magsisilbing back up sakaling kailanganin ng pulis at militar ng dagdag na budget para sa kanilang intelligence.
Sa isinumiteng panukalang 2020 national budget, nakikitang mas nadoble ang hirit na budget ng Malakanyang para sa intelligence nito kumpara sa naging budget nito noong nakalipas taon.