Tiniyak ng pamahalaan na gagamit ng lahat remedyo upang mapanatili ang serbisyo ng PhilHealth.
Ito angv tiniyak ni Executive Secretary Lucas Bersamin matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 2025 general appropriations act, kung saan ipinaliwanag na rin aniya ni Finance Secretary Ralph Recto na maraming resources ang PhilHealth na maaari nitong gamitin sa pagpapalago ng benepisyo para sa Pilipino.
Una na rin aniyang sinabi ni Finance Seretary na tututukan nito ang benefit package para sa 10 illnesses.
Samantala, bingyang-diin pa ni Bersamin na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil ang ehekutibo aniya ay maingat at mabusisi sa paggamit ng mga resources ng pamahalaan. – Sa panulat ni Jeraline Doinog