Mariing itinanggi ng Malakaniyang na naisantabi ang mga probinsya sa pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.
Depensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagpapadala ng mga bakuna ay depende sa pangangailangan at taas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Nagkataon lang aniya na mataas ang COVID-19 case sa National Capital Region kaya’t malaking porsyento ng bakuna ang inilaan dito.
Ngunit ngayon aniya na tumataas na rin ang kaso ng nakahahawang sakit sa labas ng Metro Manila, ay tiyak na padadalhan ang mga lugar na ito ng COVID vaccines.