Umaasa ang Mlakaniyang na manunumbalik ang pagiging masayahin ng mga pilipino sa harap ng nararanasang mga hamon at pagsubok na hatid ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ng Palasyo makaraang makiisa ito sa kalungkutan ng mga Pilipino batay sa 2021 world happiness report ng United Nations.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maging sila ay nalulungkot na kakaunti na lamang ang mga Pinoy sa bansa na masaya dahil sa nararanasang pandemiya.
Batay sa World Happiness report ngayong taon, bumaba sa ika-61 a mula sa dating ika-52 ang ranking ng Filipinas sa pinakamasayahing tao sa mundo mula sa halos 150 bansa.
Dahil dito, iginiit ni Roque ang kanilang pag-asang muling sumaya ang mga Pilipino lalo’t dumating na sa bansa ang mga bakuna kontra COVID-19.
Target ng pamahalaan na mabakunahan kontra covid ang nasa 70 milyong Pilipino ngayong taon upang makamit ang tinatawag na herd immunity sa nakamamatay na virus.