Ikinalungkot ng Malakanyang ang pagkakabilang ng Pilipinas sa top 10 list ng “worst countries for workers” ng isang international trade union group.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maikakailang naging malaki ang epekto ng pandemya sa sektor ng paggawa.
Gayunman, ginagawa naman anya ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maibalik ang kabuhayan ng mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Kabilang din sa 2021 global rights index ng International Trade Union Confederation, ang Bangladesh, Belarus, Brazil, Colombia, Egypt, Honduras, Myanmar, Turkey at Zimbabwe.
“Nalulungkot po tayo diyan pero sigurado po ako na ito pong estado ng manggagawa ay apektado rin po noon ng pandemya dahil papunta na po tayo sa pangalawang taon ng pandemya at naniniwala tayo na habang dumarami ang hanay ng nababakunahan at nabubuksan ang ating ekonomiya mas bubuti rin ang kalagayan ng mangagawa sa ating bayan.” Ang tinig ni Sec. Harry Roque.
-sa panulat ni Drew Nacino