Inaasahan na ng Malakaniyang ang negatibong reaksyon ng Amerika sa pagkansela ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, alam nilang hindi ikatutuwa ng Amerika ang naturang hakbang.
Ani Panelo matagal na kasing pinakikinabangan ng Amerika ang VFA, ngunit dahil biglang naputol ito, tiyak umanong malaki rin ang epekto nito sa kanilang pandaigdigang depensa.
Giit ni Panelo ‘di hamak na dehado ang pwersa ng gobyerno sa VFA kaya’t dapat aniya ay matagal ng bumitiw dito ang Pilipinas.