Pinaiimbentaryo ng Malakaniyang sa OWWA ang bilang ng repatriated OFW gayundin ang bilang ng mga naghihintay ng resulta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test nila habang nasa government accredited facilities.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna na rin ng mga reklamo na may mga OFW na naiinip na sa quarantine facilities dahil higit na sila sa itinakdang 14-day quarantine period.
Una nang nakiusap si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa mga OFW na dagdagan ang pasensya habang hinihintay ang resulta ng kanilang COVID-19 test bagamat hindi uubrang lumabas ng quarantine facilities ang mga ito.