Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Department of Health (DOH) ang anumang ipalalabas na kalatas hinggil sa inilbas na Executive Order No. 16 ng pamahalaang Cebu.
Ito ang kauutusang “rationalizing the wearing of face masks within Cebu” na nilagdaan.
Batay sa ilalim ng nasabing direktiba, hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces.
Ipinabatid ni acting presidential spokesperson secretary Martin Andanar, bahala na umano ang DOH na magbigay ng komento hinggil sa nasabing EO na inisyu ng Cebu government.
Magugunitang, sa mga nakaraang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa regular na Talk to the People nito ay nababanggit ng Presidente na dapat panatilihin ang pagsusuot ng face mask.
Titiyakin aniya niya na hanggang sa matapos ang kanyang termino ay dapat nakasuot ng proteksyon ang mga Pilipino laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng face mask.