Ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Justice ang inihaing reklamo ng National Bureau of Investigation laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, bagama’t alam na nila ang tungkol sa nasabing reklamo dapat ay hayaan nalang ang proseso dahil tungkol ito sa criminal investigation.
Binigyang-diin ni Sec. Bersamin na bahala na ang DOJ sa inihaing reklamo at iginiit na hindi maaaring makialam ang palasyo kung ano ang dapat gawin.
Tumanggi ring magkomento ang Executive Secretary sa naging pahayag ng Bise Presidente na hindi ito sangkot aa assassination plot at ipinaubaya na lamang sa mga imbestigador ang usapin.
Nabatid na inihain ng nbi sa DOJ ang reklamong inciting to seditionat grave threat laban kay VP Sara Duterte matapos ang sinasabing bantang pagpatay kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez. – Sa panulat ni John Riz Calata