Hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay pahintulot sa mga sundalo para magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ang iginiit ng Malakanyang matapos aminin mismo ng Pangulo na may ilang sundalo at sibilyan na ang nabigyan ng bakuna kontra coronavirus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng desisyon ito ng mga commanders at ng mismong mga sundalong nagpabakuna.
Dagdag ni Roque, hindi mandatory o sapilitan ang pagpapabakuna ng mga sundalo.
This must’ve been made by the soldiers and probably by the commanders kasi hindi naman makakarating ‘yan sa mga sundalo kung walang go signal ng mga commanders and I understand naman na this is voluntary walang sapilitan, it is not mandatory kung sino lang ang gusto pupwede. Hindi ko pa alam kung government action its a personal decision, alam niyo ang desisyon na kung magpapabakuna o hindi is always a personal decision. Kahit ikaw ay isang sundalo, ayaw mo talaga magpabakuna kahit na ano pang brand ng bakuna yan hindi ka mapipilit, ” ani Roque.
Samantala, sinabi ni Philippine Army Commanding General, Lt. General Cirilito Sobejana na may basbas ng chain of command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapabakuna ng mga sundalo kontra COVID-19.
Of course, our President is our Commander-in-Chief sa Armed Forces of the Philippines, I should say na its from the chain of command of the Armed Forces,” ani Sobejana