Itinanggi ng Malakanyang na iniipit ng Department of Budget and Management ang P1 Billion People’s Survival Fund o PSF.
Ang nabanggit na pondo ay laan sana sa climate change mitigation initiatives.
Binigyang-diin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi DBM ang lead agency sa pagpapatupad ng nasabing programa.
Ayon kay Valte, ang binuong board na pinamumunuan ni Finance Secretary Cesar Purisima ang siyang may access sa People’s Survival Fund.
Habang ang mga miyembro ng board ay kinabibilangan ng Vice Chairperson ng Climate Change Commission, Budget Secretary, Director-General ng National Economic Development Authority o NEDA, DILG Secretary, Chairperson ng Philippine Commission on Women, at kinatawan mula sa academe, scientific community, business sector, at NGO.
By: Meann Tanbio