Nauunawaan ng Malakanyang ang ipinalabas na advisory ng pamahalaan ng Australia kaugnay sa pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Sa ipinalabas na pahayag ng Presidential Spokesperson Office, sinabi nito na nakipag-ugnayan na ang Malakanyang sa mga Australian officials at nilinaw na walang partikular na banta ang kanilang tinukoy.
Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs o DFA sa iba’t ibang embahada sa Pilipinas at wala namang pagbabago sa mga travel advisories ng ibang mga bansa.
Tiniyak din ng Malakanyang na wala silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa pagdami ng banta sa seguridad sa Pilipinas kasabay ng paghahanda sa gaganaping ASEAN summit ngayong buwan.