Kinumpirma ng Malakanyang na may lumapag na Chinese military aircraft sa Davao City.
Ito’y matapos lumabas sa facebook page na Philippine Plane Spotter Group ang litrato ng isang eroplano na pag aari umano ng China’s People’s Liberation Army Air Force at dumating umano sa bansa noong biyernes.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, nagkarga lamang ng langis sa Davao ang eroplano ng China.
Pinayagan anya ito ng gobyerno sa pakikipag koordinasyon sa Department of National Defense, Department of Foreign Affairs at Civil Aviation Authority of the Philippines.
Technical stops anya ang tawag dito na ginagawa rin naman daw ng Pilipinas sa ibang bansa.