Kinuwestyon ng Malakaniyang ang Bureau of Immigration sa pagdagsa ng Chinese tourists.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakakabahala ang pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa na hindi lamang mga turista kundi posibleng may mga nang e espiya rin sa mga ito.
Bilang pag sang ayon na rin aniya ito sa naunang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na security threat na ang pagdagsa ng Chinese tourists.
Ipinabatid din ni Panelo ang pagkatig sa mungkahi ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin na kumuha muna ng Philippine visa ang mga Chinese tourist bago bumiyahe sa Pilpinas.
Gayunman, nilinaw ni Panelo na dapat ding suriin hndi lamang mga Chinese kundi maging iba pang nationals na pumapasok sa bansa.