Kumpiyansa ang palasyo ng Malakanyang na maayos na magagampanan ni Department of Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan ang kanyang tungkulin bilang kalihim.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, tiwala ang palasyo sa kakayanan at abilidad ni Honasan.
Aniya, alam nilang maayos na maipapatutupad ng kalihim ang marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mas maayos na cellular services sa bansa.
Dagdag pa nito, kumpiyansa rin ang palasyo na maisasagawa na ang full implementation ng third telco player sa lalong madaling panahon.
Matatandaang itinalaga si Honasan bilang kalihim ng DICT noong buwan ng hulyo ngayong taon matapos ang kanyang termino bilang senador.