Kumpiyansa ang Malakaniyang na makakabawi ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque patuloy ang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa gaya ng pagpapatupad ng mga health protocols at quarantine classifications.
Gayundin aniya ang tuloy-tuloy na pagpapabilis sa pagbabakuna kontra COVID-19 at paggamit ng fiscal at monetary policy.
Hindi naman kinontra ng gobyerno ang ulat ng world bank na posibleng umabot lamang sa 4.7% ang gross domestic product o GDP ng Pilipinas.
Depensa ni Roque, wala namang magaakala na magtatagal ng ilang buwan ang pagpapatupad ng enhanced community quarantie at modified ecq sa bansa dahil sa mga bagong variant ng COVID-19.