Ipinaalala ng Malakanyang sa mga katoliko na patuloy na sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng IATF ngayong Ash Wednesday.
Ayon kay Roque, kinakailangan parin ng ibayong pag-iingat ng lahat dahil nananatili parin ang banta ng COVID-19.
Bagama’t pinapayagan na ani Roque ang hanggang 50% capacity sa mga simbahan,dapat parin aniyang tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.
Mahalaga aniya na laging isaalang-alang ang laging panawagan ni Pang. Duterte na mask, hugas at iwas. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)