Minaliit ng Malacanang ang bantang “laglag-boto” ng grupong Migrante bilang pantapat sa umiiral na laglag bala modus sa Ninoy Aquino International Airport.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na wala sa kamay ng iilang grupo ng mga militante ang kapalaran ng mga kandidato ng administrasyon kundi nasa mas maraming botante na nakakaintindi sa usapin.
Nakatitiyak aniya siyang hindi magpapadikta ang mga botante sa mga grupong walang ginawa kundi hanapan ng butas ang pamahalaan.
Nauna rito, nagbanta ang Migrante International na ikakampanya ang laglag-boto para sa mga kandidato ng administrasyon sa 2016 elections dahil sa kabiguan umanong aksyunan ang modus na laglag bala sa NAIA.
By: Meann Tanbio I Aileen Taliping (patrol 23)