Muling iginiit ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na kung hindi nagbigay ng pahayag si pangulong marcos na wala siyang panahon para sa impeachment ay maaaring umusad na aniya ito sa kamara
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, tanging ang mababang kapulungan ng kongreso ang may kapangyarihang magpasimula at kumilos kaugnay sa impecahment complaint.
Paliwanag pa ng Kalihim, bilang paggalang sa mga institusyon, hindi na makikialam ang Pangulo sa isang bagay na saklaw ng isang co-equal branch of government. – Sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)