Muling nanawagan sa publiko ang malakanyang na iwasan ang paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma Jr., sa halip na magpaputok ay mas maiging gumamit na lamang ng ligtas na alternatibo gaya ng pag-iingay at pagpapatugtog.
Kasabay nito, nananawagan din si Senador Bongbong Marcos sa lahat na iwasan ang mga malalakas na firecracker sa bagong taon at gayundin ang pagpapaputok ng baril.
Giit ni Marcos, nakakaalarma ang pagdami ng bilang ng mga nabibiktima ng paputok at ligaw na bala.
By: Jelbert Perdez