Nanawagan ang Malakaniyang sa mga mambabatas na isantabi muna ang pulitika para maipasa na ang proposed 2021 national budget.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na magpatawag ng special session para rito.
Ayon kay Roque, kinakailangan nang maipasa ng budget para sa susunod na taon upang maisalya na ang mga programang dapat na magamit sa pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa huli, iginiit ni Roque ang naging pasya ng pangulo na dumistansya sa usapin ng girian sa House speakership sa pagitan nila Taguig Rep. Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Inaasahang po ng ating Presidente n alinsunod po sa kanyang proclamation na magkakaroon ng special session ang Mababang Kapulungan mula Oktubre 13 – 16, 2020 at hindi po makikisali o manghihimasok ang Presidente sa pagpili ng House speaker. Sana po isantabi muna [Ang iringan ng dalawang panig] para umusad ang pagpasa ng national budget. ani Roque