Nababahala ang Malakanyang sa ulat na presensya ng barko ng China sa paligid ng Benham Rise.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nangangamba sila sa balitang namataan ang Chinese ship sa lugar na kinilala ng United Nations o UN bilang bahagi ng Pilipinas.
Inabisuhan na anya ng Department of National Defense ang Department of Foreign Affairs o DFA hinggil sa nabanggit na issue.
Taong 2012 nang aprubahan ng United Nations ang claim ng Pilipinas sa Benham Rise na malapit sa Northern Luzon at Pacific Ocean.
By Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping