Itinanggi ng Malakanyang ang kamay nito sa paglabas ng Naga Leaks at Anti Robredo Campaign para patahimik umano si Vice President Leni Robredo sa pagbanat sa administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella may mahahalagang bagay na dapat asikasuhin ang Pangulo at maging ang cabinet members kaysa mamulitika.
Sinabi pa ni Abella na walang nagnanais pigilin si Robredo sa paghahayag ng opinyon at pananaw na malapit sa puso nito.
Bilang pinakamataas na opisyal ng Liberal Party inihayag ni Abella na tungkulin ni Robredo na i fiscalize ang administrasyon dahil ang isang malusog na oposisyon ay mahalaga sa bansa para sa isang buhay na demokrasya.
By Judith Larino |With Report from Aileen Taliping