Hinimok ng Malakanyang si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na gamitin ang kanyang Wellness Leave para pagnilayan ang kanyang naging panahon at legacy bilang punong mahistrado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pasya ni Sereno na mag-leave ay isang personal na desisyon.
Dagdag ni Roque, umaasa silang magagamit ni Sereno ang kanyang leave bilang pagkakataon na makapag-isip sa ikabubuti ng Korte Suprema.
Naniniwala rin si Roque na hindi maaapektuhan ng pansamantalang pagliban ni Sereno sa kanyang tungkulin ang araw-araw na operasyon ng Korte Suprema.
Magugunitang, inanunsyo ng kampo ni Sereno ang paghahain ng Wellness Leave nito para mapaghandaan na rin ang napipintong paglilitis sa Senado ng impeachment complaint laban sa kanya.
Krista de Dios/ Jopel Pelenio/ RPE