Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakalusot ni Secretary Roy Cimatu bilang kalihim ng DENR o Department of Environment and Natural Resources
Ito’y makaraang kumpirmahin ng makapangyarihang CA O Commission on Appointments kay Cimatu bilang kapalit ng dating kalihim na si Gina Lopez.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tiwala sila sa kakayahan ni Cimatu na ipatupad ang mga polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.
Magugunitang miyembro si Cimatu ng PMA o Philippine Military Academy Class of 1970, nasilbi rin bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff noong 2002 at ang huli, ay naglingkod bilang special envoy ng Pangulo sa Middle East.