Naghahanda na ang Malakanyang sa ‘economic comeback’ ng Pilipinas sa oras na makalampas na ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic.
Inihayag ni presidential communications operations office secretary Martin Andanar na inilalatag na ng Duterte administration ang mga ipatutupad na polisiya para makabangon ang ekonomiya na maaaring ipagpatuloy ng susunod na administrasyon.
Magiging mahalaga aniya ang nalalabing sampung buwan sa administrasyon sa direksyong tatahakin ng bansa at paglilipat nito sa susunod na pangulo.
Ngayong araw ay nakatakda namang magpulong ang matataas na national at local government officials upang bumalangkas ng mga polisiya kung paano ligtas na mabubuksang muli ang ekonomiya kahit may pandemya.—sa panulat ni Drew Nacino