Naglaan ang Malakanyang ng pondo para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa P12.4 milyong halaga ng ayuda ang ipamamahagi sa mga residente.
Sa nasabing halaga, P1.4 milyong halaga ang nakalaan para sa food packs at P11 milyong naman para sa non-food items.
Dagdag ni Roque, activiated na ngayon ang Joint Task Force Taal ng Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command para tulungan ang operasyon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang local government units.
Bukod dito, naka-heightened alert status na rin aniya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4-A.
Samantala, hinimok ng Malakanyang ang mga residente na maging alerto at mag-ingat sa posibilidad na mangyari sa Bulkang Taal.