Nagpa-abot na ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga pamilya ng biktima ng pamamaril sa Las Vegas.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na kinukundena ng Malakanyang ang insidente ng pamamaril sa Las Vegas na nagresulta sa pagkasawi ng mahigit 50 at pagkasugat ng mahigit 500 tao.
Sinabi rin ni Abella na patuloy na nananalangin ang pamahalaan para sa mabilis na paggaling mga nasugatan sa nasabing pag-atake.
Dagdag ni Abella, nagbigay na rin ng direktiba ang DFA o Department of Foreign Affairs Kay Consul General Angelito Cruz na magtungo sa Las Vegas para personal na makita ang kondisyonb ng mga Pilipinong naroroon.