Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa yumaong si Dating Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Virgie Torres.
Ang pakikiramay ay ipinaabot sa pamamagitan ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma.
Binigyang-diin ni Coloma na kinikilala nila ang 33 taong serbisyo sa gobyerno ni torres hanggang sa magretiro ito noong Oktubre 2013.
By: Meann Tanbio