Meron na lamang isang buwan ang mga ahensya ng pamahalaan para magsumite ng kanilang FOI o Freedom on Information People’s Manual kapalit ng kanilang PBB o Performance Based Bonus.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan, ang FOI People’s Manual ay isa sa hinihinging requirements sa ilalim ng 2017 guidelines and condition para makuha ng mga ahensiya ang kanilang Performance Based Bonus.
Dagdag ni Ablan, hanggang Oktubre 1 na lamang maaaring i-upload ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanilang mga FOI manual sa kani-kanilang transparency fill pages.
Kung saan aniya, kailangang humingi ng mga ahensya ng validations para makapagpalabas ang PCOO ng compliance certificate na may lagda ng FOI program director bilang patunay na nakasunod sila.