Nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang sa ilang naitalang insidente ng suicide bombing sa Sulu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, anumang aktibidad o sitwasyong nagpapahiwatig ng terorismo saan mang bahagi ng bansa ay ikinababahala ng pamahalaan.
Sinabi ni Panelo, bagama’t mahirap mapigilan ang isang suicide bomber, nakatitiyak silang ginagawa ng mga law enforcer na matigil ito.
Magugunitang, inihayag ng Western Mindanao Command na meron pang dalawang suicide bombers ang patuloy nilang pinaghahanap at target na ma-neutralize.
Nitong linggo lamang, isang suicide bomber ang muling nagtangkang pasukin at pinasabog ang sarili sa labas ng kampo ng militar sa Indanan, Sulu.