Nangako ang Malakanyang na magbibigay ito ng patas na ambag para sa mga Syrian refugees.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, tiniyak na rin ito ni Pangulong Noynoy Aquino dahil ang Pilipinas ay signatory ng ilang conventions na may kaugnayan sa mga refugees.
Giit ni Coloma, ang magiging batayan nito ay ang ating resources at kakayahan upang maiparating ito sa mga mamamayan ng Syria na nangangailangan ng tulong.
Matatandaan na maraming Vietnamese refugees ang pinatira noon ng gobyerno sa Palawan matapos kubkubin ng mga komunista ang South Vietnam.
Noong ikalawang digmaang pandaigdig naman ay inampon din ng Pilipinas ang maraming Jewish refugees.
By: Jelbert Perdez