Nagpaliwanag ang Malakanyang kung bakit prayoridad ng gobyerno na makuha ang bakunang Sinovac mula sa China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala namang kamangha-mangha o kakaiba sa Sinovac ngunit ito aniya ang unang nag-commit sa bansa nuon pang Hulyo.
Dahil dito, ito aniya ang inaasahang mauunang darating na bakuna sa bansa.
Una rito sinabi ng gobyerno na una nang inalok ng mga western brands ng COVID-19 vaccine ang mga mayayamang bansa at hindi rito kabilang ang Pilipinas.